Yaman din lamang na nabanggit na ito bilang blog title ko, gusto kong magbahagi ng kakarampot na impormasyon. Tungkol ito sa mga bagay-bagay na hindi niyo naman kailangang malaman at wala naman talagang halaga sa pang araw-araw niyong pamumuhay. Wala namang tips at suggestions tulad ng DIY network at walang jokes at qoutable qoutes na pwedeng iforward sa text o di naman kaya ay i-post sa facebook. Hindi rin naman nakakapagpagaan ng household chores at hindi rin kapupulutan ng aral tulad ng Hiraya Manawari. Wala lang talaga.
Ito top 7 sa mga guilty pleasures ko. Sabi na sa'yo eh, wala lang talaga. Top 7 lang kasi kapag 10 baka sabihin niyo naman na masyado akong makasalanan. Kapag 5 naman ay baka sabihin niyong anghel ako. May pakpak ako, sungay at buntot. Wala naman sa impyerno pero wala rin sa langit. Hindi rin anghel pero di rin demonyo. Average lang.... Unicorn. Pwede na? Hindi? Ok.
7. Pasikat. Matatawag ko ang sarili kong mayabang pero hindi ako nagsasalita. Mas gusto ko yung kayabangan na nakikita na lang ng iba kesa sa maririnig galing sa akin. Kaya lang minsan talaga mabilis ang ikot ng karma. Pasikat ka na nga, nabobokya ka pa. Yung tipong sasakay ka ng jeep, overconfident ka kasi sumakay ka sa tapat ng UP, titingin ka sa mga kasama mong nakasakay ng nakataas ang kilay, lalabas mo yung Law on Partnerships and Corporations textbook kasi astig yun eh. Kahit wala namang quiz, makabukas lang ng libro sa jeep. Excited na pagbuklat ng libro oh, pati balikat gumagalaw. Tapos, PAK!, bukas na, baliktad pala. Nampuchang mundo, hanlufet!
O asan na ang 6,5,4,3,2,1?
No comments:
Post a Comment