Pages

Bold Star

Hindi ako baguhan sa blogospoeryo. Hindi rin ito ang unang blog ko sa Blogspot at lalong lalo nang hindi ito ang unang "first post" ko. Halos tatlong taon na ring pakalat-kalat ang iba't ibang alyas ko sa internet. Nagkaroon na rin ako ng account sa halos lahat ng blog hosts at social networking sites dito sa mundo ng internet. Sabihin mo na lahat kahit sa porn site, meron ako nun.

Hindi ko ambisyon ang maging artista, lalong lalo na ang maging sikat. Kaya ako palipat-lipat ng bahay dahil hindi ko makuha-kuha ang katahimikan na inaasam ko. Hindi ko balak mang-agaw ng pwesto, trono o ano pa mang korona ng kahit na sino sa blogging. Gusto ko lang naman na maging anonymous, makapagpahayag ng saloobin tungkol sa kahit anong bagay nang hindi nag-aalala tungkol sa sasabihin ng iba.

Gusto kong isipin na sa sarili kong mundo, magiging malaya ako. At kahit ayoko maging artista, heto na nga ako't umaarte na parang isa. Artista na dating patweetums at pacute lang ang alam, ang dating umiiyak lang sa putikan, ang dating inaapi lang ng karamihan.....

Eto na siya...




Naging BOLD STAR na.

6 comments:

  1. we'll be watching you...

    hehe

    ReplyDelete
  2. take a closer look then.. ;) salamat sa pag devirginize ng blog ko abou.. ikaw na ang first time ko.. hahaha!

    ReplyDelete
  3. ayay! gusto ko yan...yung mga bloggers na may halong kalandian pero may sense kung magsulat!! aahahhaa...sige...aabangan kita...

    add na rin kita...i lurve u so much.

    ReplyDelete
  4. hahaha! patok talaga pag may halong kalandian ano? sabi ko na nga ba eh..

    matagal na kitang mahal.. i luuuuuuuuuuuuuuurve you so much more.. so tayo na? hahaha!

    hanggang sa susunod na kabanata

    ReplyDelete
  5. hmmmmm boldstar..

    ReplyDelete